December 26, 2024

Home BALITA National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking
(Photo: Mark Balmores | MB)

Ipinag-utos ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na ilipat si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo mula sa Camp Crame patungo sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Jean Fajardo nitong Biyernes, Setyembre 20, sa isang press conference na inulat ng Manila Bulletin

Ayon kay Fajardo, nakatanggap sila ng utos mula sa Pasig City Regional Trial Court Branch 167 na i-detain sa Pasig City Jail Female Dormitory si Guo, maging ang 14 iba pang kinasuhan kaugnay ng ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub sa Bamban, para sa kaso ng qualified human trafficking.

“The PNP received a copy of the order directing the PNP to transfer and turnover the custody of Alice Guo and 14 others. The Pasig City Jail issued an arrest warrant not only against Alice Guo but also her companions. This is for their qualified human trafficking case, this is a non-bailable offense,” ani Fajardo.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“Since the Pasig RTC already has an order, we will honor this order,” saad pa niya.

Samantala, sinabi naman ni BJMP Spokesperson Jayrex Bustinera na mananatili si Guo sa isang selda kasama ang mahigit 40 inmates, kung saan hindi umano siya bibigyan ng “special treatment.”

Nahaharap si Guo sa ilang mga kaso tulad ng pagkasangkot umano niya sa iligal na POGO sa Bamban.

Kaugnay nito, matatandaang nito lamang Huwebes, Setyembre 19, nang ipa-cite in contempt ng quad-committee ng Kamara si Guo dahil umano sa pagsisinungaling at pag-iwas sa tanong ng mga kongresista sa pagdinig hinggil sa POGO.

MAKI-BALITA: Alice Guo, pina-cite in contempt ng House quad-committee

Bukod dito ay dalawang beses ding cinite in contempt ng Senado ang pinatalsik na alkalde dahil umano sa hindi niya pagsagot sa mga katanungan ng mga senador.