December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter
Photo courtesy: Jude Bacalso (FB)/John Calderon (FB) via Balita

Iginiit ni Cebu-based writer Jude Bacalso na isang balidong reklamo ang naranasang "misgendering" sa isang waiter ng restaurant noong Hulyo, matapos umano siyang tawaging "Sir."

Inulan ng kritisismo si Bacalso dahil sa mga nangyari, magmula sa mga netizen hanggang sa mga sikat na celebrity. Dumating pa raw sa puntong na-trauma ang waiter kaya hindi na ito pumasok sa restaurant at nag-deactivate pa raw ng social media accounts.

MAKI-BALITA: Bukod daw sa keps: Ogie kay Jude, 'Sana pinakitaan mo ng pruweba na babae ka talaga!'

Naglabas ng public apology si Bacalso sa pamamagitan ng kaniyang social media post, at sinabi niyang nag-usap na rin sila at ng pamunuan ng restaurant; subalit hindi raw sila nakapag-usap ng waiter dahil wala raw ito nang mga sandaling iyon. Ngunit kahit na nag-sorry na sa publiko dahil sa mga nasaling o naapektuhan, iginiit pa rin ni Bacalso ang tungkol sa isyu ng misgendering.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

MAKI-BALITA: Bacalso, nag-sorry sa isyu ng pagpapatayo sa waiter dahil tinawag siyang 'sir'

MAKI-BALITA: Bacalso, 'di raw nag-demand na tumayo ang waiter na tumawag ng 'sir' sa kaniya

Halos isang buwang nanahimik at humupa ang isyu matapos mapatungan ng iba pang mga isyu sa showbiz at politika, subalit noong Agosto 31, muli itong naging laman ng mga balita matapos daw magsampa ng limang pormal na kaso ang waiter laban kay Bacalso, sa Prosecutor's Office sa Cebu.

MAKI-BALITA: Jude Bacalso, kinasuhan ng waiter na tumawag sa kaniya ng 'Sir'

Hindi naman nag-react o naglabas ng pahayag si Bacalso patungkol sa isinampang kaso laban sa kaniya.

Nitong Setyembre 19, ayon sa ulat ng PEP ay muling nagsalita si Bacalso patungkol sa isyu nang maimbitahan siya bilang resource speaker sa isang forum sa Cebu, na ang paksa ay patungkol sa media reporting na may kinalaman sa LGBTQIA+ community. Dito na nga niya tinalakay ang naranasang misgendering.

Giit ni Jude, naniniwala siyang valid complaint ang pagtawag sa kaniya ng "Sir," na hindi lamang daw isang beses kundi tatlong beses.

Sinabi pa ni Jude na may poser daw na gumagawa ng fake posts para sirain ang kaniyang pangalan.

Hindi naman nabanggit ni Bacalso kung magkaka-counter affidavit ba siya laban sa reklamo ng waiter.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates patungkol sa lagay ng mga kasong isinampa laban sa kaniya ng waiter.