January 23, 2025

Home SHOWBIZ

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X
Courtesy: ABS-CBN It's Showtime/YouTube screengrab

Usap-usapan ngayon sa social media ang gurong contestant sa noontime show na “It’s Showtime” matapos niyang magkamali sa katanungan kung sino ang unang babaeng pangulo ng Pilipinas.

Sa segment ng “It’s Showtime” na “Throwbox!”, isa sa mga tinanong sa contestant na si “Tony” ang tungkol sa unang babaeng naluklok bilang presidente ng Pilipinas.

“Gloria Macapagal Arroyo,” sagot naman ng contestant, bagay na mali dahil ang unang babaeng pangulo ng bansa ay si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Tila pabiro namang nag-react ang isang host na si Tetay na ginaya ang boses ng anak ni Cory na si Kris Aquino.

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

“Na-surprise ako kasi alam kong alam mo ‘yun. You’ve been to Korea, nag-master’s ka and all, and you forgot that important thing na, my goodness, my mom, Corazon Cojuangco Aquino. Nakakaloka ka don,” hirit ni Tetay habang ginagaya ang boses ni Kris.

Nauna kasing sinabi ng contestant na nag-kolehiyo raw siya sa Saint Pedro Poveda College, kung saan din nag-aral ang host na si Karylle. Naging representative din daw siya sa isang research conference sa Seoul National University noong nakaraang taon, kung saan siya lang daw ang nag-iisang Pinoy na lumahok doon. Bukod dito, katatapos lang daw niyang mag-masteral kaya’t nag-aaral siya ngayon para sa kaniyang doctorate degree habang nagsisilbi ring guro sa loob ng walong taon, kung saan nagturo raw siya ng Literature at English.

“Di ba? Dapat alam nating lahat ‘yun,” tila pabirong saad naman ni T'yang Amy.

“Itanong mo sa bata, they will give you that answer. Bakit ka nagkamali? Parang nagulat ako, I was super confident. Sabi ko 'this guy will definitely answer correctly.' Nong sinabi ‘yung ibang pangalan nalungkot ako. Bakit?” hirit pa ni Tetay habang ginagaya pa rin si Kris.

Sinabi naman ni Tony na nakakakaba raw pala ang palaro lalo na’t 5 seconds lang ang timer at inakala raw niyang tulad sa mga naunang katanungan ay multiple choice ito.

Bumawi naman ang contestant sa mga susunod na tanong hanggang sa jackpot round hanggang sa nakapag-uwi siya ng ₱50,000.

Samantala, habang sinusulat ito’y number 1 trending sa X ang #ShowtimeLarongLaro, kung saan naging usap-usapan nga ang naturang pagkamali ng gurong contestant sa katanungan tungkol sa isang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Narito ang ilang mga post ng netizens sa X kaugnay nito:

"Iritang irita ako sa naglalaro sa Showtime today. Daming kuda na nagresearch conference sa korea, nagschool sa poveda, DZAI FIRST WOMAN PRESIDENT HINDI KILALA?"

“Jusko, basic na first female president GLORIA ARROYO LIKE? SIR???? ”

“KALOKA KA TONY! Confident pa sya sa Gloria Arroyo HAHA.”

“Nagyabang pa yung player na sya lang yung only Filipino chu chu sa Korea pero hindi kilala kung sino first woman president ng Pilipinas. ”

“Daming flex ni koya mali naman sagot first female president .”

“Again... we badly needed a better educational system .”

“Basic pero di nya nasagot ang unang babaeng naging Pangulo ng Pilipinas.”

“Omgee teacher ka pa naman di mo alam first woman president of the Philippines .”

X/screengrab