November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang
Photo courtesy: Doc Willie Ong (FB)

Usap-usapan ang latest social media post ng doktor-vlogger na si Doc Willie Ong na umamin sa publiko na nakararanas ng isang rare at agresibong uri ng cancer na tinatawag na "sarcoma."

Kalakip ng post ni Doc Willie ang dalawang kuhang larawan sa kaniya kung saan kapansin-pansing nalagas na ang kaniyang buhok dahil sa unang round ng kaniyang chemotherapy.

98% daw ng kaniyang buhok ay nalagas na, subalit buo raw ang kaniyang loob na lumaban pa.

Nag-iwan naman siya ng mensahe para sa kabataan at mga magulang. Iginiit niyang labis ang pagmamahal niya sa younger generation at sinabihan niya silang magpakatatag sila. Pinapatawad din niya umano ang ilang kabataang nam-bash sa kaniya matapos ang pagtakbo niya noon bilang vice president noong 2022 elections.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

"Regarding my Sarcoma diagnosis, my gut feeling is that it came from unnecessary bashing from Troll Farms and others. I have no risk factors for cancer."

"Hence, my 'bashing: explanation is NOT really for me but for all the young generation of Filipinos who have mental health problems from unfounded criticisms thrown at them in social media."

"I really love the younger generation no matter who you are and who you choose. TRULY, I love you AS YOU ARE. God loves you."

"I forgive you if you bashed me in the past."

"For the children and young adults, Stay Strong. Fight with me. Forgive your perceived enemies. Keep LIVING. Keep LOVING. That is all I ask of you."

"PS. Sa mga kabataan, mahal na mahal na mahal ko kayo. I prayed so long so that I can reach you. This Sarcoma may be a blessing in disguise because I can now reach you. If that is so, then I gladly accept the deal. Thank you God."

"PPS. 2nd chemo cycle today. Lost 98% of my hair. Repeat PET scan in 3 weeks to see if have progress. Good or bad news. Only God knows. I love you all."

Doc Willie Ong - Message to the youth and parents: From Doc Willie... | Facebook

Matatandaang nasabi ni Doc Willie na ang suspetsa nila, nakuha niya ang kaniyang cancer sa labis na stress na dulot ng bashing na natanggap niya simula nang kumandidato siya sa pagkapangalawang pangulo. 

MAKI-BALITA: Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

MAKI-BALITA: Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers