November 22, 2024

Home SPORTS

UAAP champion coach Norman Miguel balak dalhin ang kampeonato sa Chery Tiggo

UAAP champion coach Norman Miguel balak dalhin ang kampeonato sa Chery Tiggo
Photo courtesy: Premier Volleyball League (FB)

"From Bulldogs to Crossovers"

Matapos magpaalam sa National University Lady Bulldogs at ibigay dito ang comeback championship title, nakatakda ng dalhin ni coach Norman Miguel ang kampeonato sa pro league at hawakan ang Chery Tiggo Crossover.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Setyembre 17, pormal na inanunsyo ng Premier Volleyball League (PVL) ang pagdating ni Norman sa liga kung saan pinalitan nito si University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses head coach Kungfu Reyes sa Chery Tiggo.

"For me, it's about time na ma-test ko 'yung skills ko, kung saan tayo aabot sa ganitong level. 'Yun din, exploring na rin para sa career ko, how is it like coaching a professional team,” saad ni Miguel sa isang artikulong inilabas ng PVL.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Honored naman ako na tinawagan ako ng Chery and happy naman ako na this time, sa professional tournament, head coach naman ako kasi before, nasa coaching staff lang ako,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagbitiw sa pagiging headcoach ng NU Lady Bulldogs si Miguel noong Agosto, 2024 kung saan isinaad niyang ‘change career’ umano ang kaniyang dahilan habang si Creamline head coach Sherwin Meneses naman ang sumalo sa binakante niyang posisyon.

KAUGNAY NA BALITA: Creamline Head Coach Sherwin Meneses, may pa-comeback sa UAAP matapos ang 8 taon

Samantala, nilinaw din ng PVL na mananatiling coaching staff si Reyes kung saan magsisilbi siya bilang assistant coach pa rin ng Chery Tiggo. 

Kate Garcia