January 23, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Search engine 'Ecosia,' ibinida resulta ng tree planting project sa loob ng 8 taon

Search engine 'Ecosia,' ibinida resulta ng tree planting project sa loob ng 8 taon
Photo courtesy: Ecosia (FB)

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang resulta ng umano’y walong taong tree planting project ng ‘eco-friendly search engine’ na Ecosia.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Setyembre 17, ibinida ng Ecosia ang larawang nagpapakita ng pagbabago sa kabundukan ng Atlantic Rainforest sa Brazil na dulot umano ng 50,000 mga punong kanilang itinanim noong 2015.

“What you're looking at is a portion of the Atlantic Rainforest in Brazil. It may not be as well known as the Amazon, but it too is a crucial ecosystem.”

Ang Ecosia ay isang ‘social business at carbon-neutral search engine’ na naglalayong makapagtanim ng mga marami pang puno sa pamamagitan ng ‘ad revenue’ sa bawat search sa internet.Samantala, binanggit din ng Ecosia ang katuwang nila sa naturang tree planting project na Pacto Mata Atlantica na isang environmental organization mula sa Brazil nagsusulong ng biodiversity conservation. Nilalayon din ng nasabing organisasyon na makumpleto ang reforestation sa 15 milyong ektaryang lupain sa Brazil hanggang 2050.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Hinimok din ng Ecosia na i-download ang kanilang search engine application na siyang makakatulong pa upang mapanuan ang pangangailangan sa pagtatanim ng mas marami pang puno.

‘So far, we've planted and protected 50,000 trees in this portion alone! Download Ecosia and let's restore the rainforest together.”

-Kate Garcia