Usap-usapan ang Facebook post ng award-winning director na si Erik Matti matapos niyang mapansin ang buhok ni Cassandra Ong, ang 24-anyos na businesswoman na iniuugnay sa pagpapatakbo ng "ilegal" na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga.
Naka-detain si Cassandra sa Kongreso kaugnay pa rin sa mga isinasagawang senate hearing patungkol kay Alice Guo at sa mga taong nasa likod ng POGO.
Sa isinagawang hearing amakailan ay napansin ng direktor ang buhok ni Cassandra, na tila may kulay at kulot na raw. Batay sa posts ni Matti ay sinusubaybayan at nanonood siya ng pagdinig sa kongreso.
Sey ng direktor, ayon sa pagkakaalam niya, naka-detain si Cassandra sa kongreso kaya paano raw ito nagkaroon ng kulay sa buhok?
"Anaknang! Di ba naka detain ito up to now? And kalalabas lang ng ospital? Paano nangyari at nakapagpakulay at nagpakulot pa?!!! At saan niya ginawa yan? Sa loob ng Congress? Home service?!!!"
Erik Matti - Anaknang! Di ba naka detain ito up to now? And... | Facebook
Sumagot naman sa post niya ang kilalang writer na si Eric Cabahug.
"I think si Guo Hua Ping aka Alice ang detained. Not sure lang about this sister," aniya.
Sagot naman ni Direk Erik, "Eric Cabahug di ba detained siya for contempt sa congress until she went to the hospital? But the detention is up to the time the inquiry is done. So technically after she gets released from the hospital, she will have to go back and be detained in Congress pa din. Unless they waived it when she suffered the low blood pressure and naawa sila. Which we may not be privy to."
Tugon naman ni Eric, "Ohh baka nga. Or maybe she went to the 'hospital.'"
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"May glam team direk!"
"She has to look good for the media coverage?! Baka she was given permission to go to a hair salon. Hay naku!"
"Gusto atang mag-project ng production value, direk."
"Nakakaloka hahaha, pero baka dati nang may kulay hair niya?"
Samantala, wala pang sagot o pahayag ang kampo ni Ong patungkol dito.