“SENATEflix and chill,” nakatutok pa rin ba ang lahat? Papunta pa lang tayo sa exciting part!
Tila kuhang-kuha nga ngayon ng ilang pagdinig sa Senado at Kongreso ang atensyon ng netizens na binansagan ding “SENATEflix.”
Ang “SENATEflix,” ang umano’y serye ng magkakasunod na senate hearing dulot ng isyu ng pinag-uusapang si dating Bamban, Tarlac City Mayor Alice Guo na sangkot sa kontrobersyal na illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at ilan pang indibidwal na dawit dito. Ito ay pinangungunahan ni Senador Risa Hontiveros.
Samantala, tinututukan din ng netizens ang ilang pagdinig sa kongreso, kagaya ng pagdinig tungkol sa budget ng Office of the Vice President (OVP), na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.
Kaya naman upang mas maunawaan pa ang mga pangyayari sa mga susunod pang pagdinig, narito ang kahulugan ng mga salitang kalimitang naririnig sa senate at congress hearing.
Contempt
Sa mga nakalipas na hearing maka-ilang ulit narinig ang salitang “contempt,” mula sa pinuno ng komite.
“Ipina-contempt na si…”
“Na-cite in contempt si…”
Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Ayon sa Senate Resolution No. 5 Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation Section 18, “at least one member of the Committee, may punish or cite in contempt any witness before the Committee who disobeys any order of the Committee or refuses to be sworn or to testify or to answer a proper question by the Committee.”
Isinasaad din nito na maaaring mapatawan ng “contempt” ang nasasakdal at saksi kung ito ay nagpapahayag ng kasinungalingan at hindi sumusunod sa ipinag-uutos ng Komite.
“Testifies falsely or evasively, or who unduly refuses to appear or bring before the Committee certain documents and/or object evidence required by the Committee notwithstanding the issuance of the appropriate subpoena therefore,” dagdag pa ng resolusyon.
Plead not Guilty
Kasunod ng pagkahuli ng ilang nasasakdal, malimit ding marinig ang “plead not guilty” na inihahain ng kanilang kampo.
Ayon sa Senate Electoral Tribunal Criminal Procedure of 1900 Section 24-25, maaaring mag-file ng “plead not guilty” ang isang akusado bago tuluyang humarap sa korte.
“Should the demurrer be disallowed, the court must require the defendant to plead. If he refuses, a plea of not guilty shall be entered for him. There are four kind of pleas to an information or complaint: (1) guilty; (2) not guilty; (3) a former judgment of conviction or acquittal of the offense charged which may be pleaded either with or without the plea of not guilty; (4) once in jeopardy, which may be pleaded with or without the plea of not guilty. The plea must be oral, and a minute thereof in writing filed with the papers in the case.”
Maaari itong gawin ng nasasakdal upang patunayang walang katotohanan ang naisampang kaso at alegasyon sa kaniya. Nasa kamay naman ng Korte Suprema ang kapangyarihan na mapatunayan ang kasong nauugnay sa isang nasasakdal.
Executive Session
Sa mga nakaraang Senate hearing ilang beses ding nabanggit ang “executive session” partikular na sa mga sensitibong diskusyon sa pagitan ng komite at mga nasasakdal.
Ayon pa rin sa Senate Resolution No.5 Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation Section 11, nangyayari ang “executive session” kapag ang pagdinig at testimonya ng nasasakdal ay naglalaman ng sensitibong impormasyon na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa.
Sa kasagsagan ng executive session, ang maaari lamang dumalo dito ay ang mismong miyembro ng sangkot na komite, mga nasasakdal at witness at ilang indibidwal na papayagan na pinuno ng komite.
Subpoena
Kapuwa sa Senado at Kongreso rin kalimitang naririnig ang salitang “Subpoena” na kalimitang nababanggit sa hindi pagsipot ng mga indibidwal na may kaugnayan sa pagdinig.
Ayon sa Administrative Order No. 7 ng Rules of Procedure of the Office of the Ombudsman Rule 3, Section 5, may kapangyarihan ang isang komite na magpataw ng Subpoena sa nasasakdal kapag ito hindi nito sinipot ang imbitasyon mula sa Senado, Kongreso o Korte Suprema.
“In case of two (2) successive unjustified non-appearances of any party in the proceedings, it shall be the option of the party who is present to submit the case for resolution on the basis of the records of the case and the evidence so far presented.”
Hindi lamang limitado ang Subpoena na magmandato sa pagsipot sa imbitasyon, bagkus ay kasama rin dito ang mandatong maipasa ang mga kaukulang dokumentong kailangan sa pagdinig, na tinatawag na “subpoena duces tecum.”
Counter Affidavit
Ayon pa rin sa Administrative Order No. 7 ng Rules of Procedure of the Office of the Ombudsman Rule 2, Section 4, maaaring maghain ng counter affidavit ang nasasakdal upang patunayan ang kaniyang disposisyon sa mga kasong nasangkutan sa loob ng 10 araw.
Ang counter affidavit ay nagsisilbing pagkakaton ng akusado na magpasa ng sarili niyang bersyon ng istorya at mga ebidensyang magpapatunay dito.
Ang mga salitang nabanggit ay ilan lamang sa mga terminolohiyang kalimitang nababanggit sa mga nakaraang pagdinig ng Senado at Kongreso.
Ikaw, anong salita ang natatandaan mo mula sa mga nakalipas na pagdinig?
Kate Garcia