January 22, 2025

Home SPORTS

Sikat na brand, may pa-homecoming kay EJ Obiena; Carlos Yulo, dinedma?

Sikat na brand, may pa-homecoming kay EJ Obiena; Carlos Yulo, dinedma?
(Photo courtesy: EJ Obiena/IG; Milo Philippines/FB)

Usap-usapan sa social media ang isinagawa ng Milo Philippines na homecoming ceremony para kay World No. 3 pole vaulter EJ Obiena, kung saan kinuwestiyon ng ilang netizens kung bakit wala umanong ganoong klasend inihanda ang brand para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Noong Martes, Setyembre 10, nang mapaulat na nagsagawa ang Milo Philippines ng isang homecoming ceremony para kay Obiena, kung saan nagsilbi na rin daw itong seremonya para sa kanilang contract renewal.

Iiimprenta rin raw ang mukhan ni Obiena sa mga pack ng Milo, tulad ng Olympic gold medalists na sina Yulo at Hidilyn Diaz.

Bukod sa seremonya, bumisita rin sina Obiena at mga kinatawan ng Milo sa ilang mga kawani ng Department of Education (DepEd) at maging sa mga estudyante ng Oranbo Elementary School upang magsilbi ring inspirasyon sa mga kabataan lalo na pagdating sa sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kaugnay nito, sa isang Facebook post nitong Martes, Setyembre 17, nagpahayag ng pasasalamat si DepEd Secretary Sonny Angara sa pagbisita sa kanila ng athlete.

“Starstruck ang DepEd Philippines  nung dumating ang ating national athlete na si EJ Obiena , kasama ang nanay at Milo family niya. Not every day we have an Olympian in the house. Salamat sa pagbisita EJ! We are proud of you! ,” saad ni Angara.

Sa gitna naman ng masayang kaganapan, ilang netizens ang nagbigay ng komento sa hindi umano pagkilala ngayon ng Milo sa matagal na nilang endorser na si Yulo, na hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na may hindi pagkakaunawaan ngayon sa kaniyang pamilya, partikular na sa kaniyang inang si Angelica Yulo.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:“With Milo PH not recognizing Carlos Yulo, it means that they are tolerating TOXIC FAMILY CULTURE.”

“BAKIT HINDI KASAMA SI CARLOS YULO SA HOMECOMING NG MILO?”

“Inaatake kasi ng mga paid trolls si Carlos Yulo kaya medyo distance muna ang Milo. Anyway, I'm so happy for EJ Obiena. Looking forward sa LA2028.”

“EJ really is the most popular local athlete right now. Imagine, he didnt even win a medal. But there's an important truth that we need to see here. Carlos Yulo deserves the same attention & trust from brands esp Milo. Milo kasi yan. Carlos was deliberately excluded.”

“You can’t blame Milo, overwhelming majority parents hate Carlos Yulo, alangan nman.”

Habang isinusulat ito’y wala pa namang pahayag ang Milo o si Yulo hinggil dito.