November 25, 2024

Home BALITA National

Marbil, igniit na dapat magpakita na si Harry Roque: 'Alam niya ang tama sa mali!'

Marbil, igniit na dapat magpakita na si Harry Roque: 'Alam niya ang tama sa mali!'

Iginiit ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil na dapat lumitaw na si dating Presidential Spokesperson Harry Roque at humarap sa House of Representatives, dahil alam naman umano nito ang “tama sa mali.”

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Setyembre 17, sinabi ni Marbil na nakasalalay kay Roque kung nais niyang sumuko.

"It's up to him, but alam niya naman po ‘yung tama sa mali," aniya. "Dapat magpakita po siya dito sa House of Representatives."

Ayon pa kay Marbil, tumutulong daw ang PNP kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) sa paghahanap kay Roque.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

"We're helping–all agencies po not only the PNP and the NBI and the BI are helping po sa paghahanap po sa kaniya," aniya.

Nang tanungin naman kung nasa Pilipinas pa sa Roque, sagot ni Marbil: “Sa amin na lang po muna ‘yun.”

Matatandaang noong Setyembre 12 nang ipa-cite in contempt ng House quad committee si Harry Roque sa ikalawang pagkakataon matapos hindi sumipot sa pagdinig at kabiguang magsumite ng mga hinihinging dokumento sa Komite. 

MAKI-BALITA: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom

Matapos ilabas ang arrest order laban sa kaniya, nagtago si Roque, dahilan kaya’t tinawag siya ng chairperson ng quad-committee na si Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na “pugante.”

Samantala, sa isang video message nitong Lunes, Setyembre 16, iginiit ni Roque na mahalaga raw ang kaniyang “kalayaan” kaya’t hindi na niya ito isusuko muli.

MAKI-BALITA: Harry Roque, 'di raw paaaresto: 'Hindi ko po isu-surrender muli ang aking kalayaan'