November 15, 2024

Home BALITA

KWF, maglulunsad ng seminar sa pagsasalin

KWF, maglulunsad ng seminar sa pagsasalin
Photo Courtesy: KWF (FB)

Nananawagan ng lahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa isasagawang SALINAYAN 2024: Online Seminar-Training sa Pagsasalin (Tuon sa Pagsasalin ng Gabay ng Mamamayan).

Sa Facebook post ng KWF nitong Martes, Setyembre 17, mababasa ang anunsyo at detalye kaugnay sa nasabing pagsasanay.

“Inaanyayahan ang mga pamahalaang lokal (LGUs) na lumahok sa SALINAYAN 2024: Online Seminar-Training sa Pagsasalin  na isasagawa sa 24-26 Setyembre 2024, 9:00nu-3:00nh na isasagawa sa pamamagitan ng ZOOM,” saad ng KWF.

Ayon sa komisyon, tatanggap lang daw sila ng lahok hanggang Huwebes, Setyembre 19, sa pamamagitan ng pagtugon sa sumusunod na pormularyo: https://forms.gle/eNh3un8mKhouRGR27.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Magpapadala naman sila ng abiso sa mga nagpatala upang kumpirmahin kung natanggap ang mga ito sa limitadong bilang ng kalahok.

Layunin umano ng SALINAYAN na linangin ang kaalaman at kasanayan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagsasalin ng citizen’s charter o gabay ng mga mamamayan gamit ang wikang Filipino.