December 23, 2024

Home BALITA

Guro, bugbog-sarado sa mag-utol na estudyante; netizens, nag-react

Guro, bugbog-sarado sa mag-utol na estudyante; netizens, nag-react
Photo courtesy: Freepik

Ikinalungkot ng mga netizen ang balita patungkol sa isang lalaking public school teacher na pinagtulungang bugbugin ng magkapatid na Grade 9 student sa loob mismo ng silid-aralan habang saksi naman dito ang iba pang mga estudyante, at dinaluhan naman agad ng mga kasamahang guro.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, sinita raw ng guro ang estudyante sa kabilang silid-aralan dahil sa kaingayan. Maya-maya ay dinaluhong na siya ng kapatid nito at pinagtulungan na siya hanggang sa mapahiga na sa sahig ang guro. Dumating naman daw ang iba pang mga estudyante at kapwa guro at mabilis na inawat ang mga nagkakagulo. Paliwanag ng estudyante, inakala raw niyang sasaktan ng guro ang kaniyang kapatid.

Batay pa sa balita, sa kabila ng lahat ay hindi itutuloy ng guro ang pagsasampa ng reklamo dahil nagkaaregluhan na daw ang magkabilang kampo. Naglabas naman ang Department of Education (DepEd)-Ilocos Norte Advisory No. 54 patungkol sa Learner/Student Discipline dahil sa mga nangyari.

Nangyari ito ngayong Setyembre, na nagkataong pagsisimula pa naman ng National Teachers' Month, mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil dito ay nagbigay naman ng reaksiyon at komento ang mga netizen lalo na't isa sa mga maiinit na isyu ngayon ay ang pababa nang pababang kalidad ng edukasyon.

Nakalulungkot daw na ganito na raw umasta ang kabataan ngayon, na tila nakalilimutan na raw ang paggalang sa mga nakatatanda, lalo na sa mga guro, dahil sa "Child Protection Policy" na mas pabor lamang daw sa mga mag-aaral, kaya hindi na makapagdisiplina kagaya dati ang mga titser. Ipinagbabawal na kasi sa nabanggit na polisiya ang tinatawag na "corporal punishment."

"What? Naareglo na? Abay paano nangyari yun pag pala guro ang binugbog at sinaktan aaregluhin lang ng paaralan samantala pag ung guro ang nagalit at nagpahiya , nansita or let say nakasakit sa bata Child Abuse ang ikakaso sa kanya hindi pa puedeng ayusin o aregluhin sa sa school diretso sa divison ang kaso at ipapasa agad sa regional office. Nasaan ang hustisya?"

"puro na lang kasi student protection policy...pero sa teacher wala."

"Dapat jan makulong. nasobrahan na ng child protection law yung batas natin mga wala ng kinatatakutan ang mga kabataan ngayon."

"Wala na talagang respeto mga kabataan ngayon nasa magulang na din yan kung pano sila pinalaki ng kanilang magulang ibig sabihin wala din silang respeto sa kanilang mga magulang."

"Nasa ginawa ng batas Yan bawal saktan ng magulang Ang anak at bawal saktan din ng teacher kahit talagang makulit tapos papa tulfo kaya Yan Ang. Nangyayari sa kabataan Wala na sila kinatatakutan Wala na disiplina grabe gawa pa kau batas.."

"nakakalungkot lang na ganito na ang kabataan ngayon, tapos kakainin pa masyado ng social media na kung ano-anong kabulastugan ang napapanood."

"Nasa ginawa ng batas Yan bawal saktan ng magulang Ang anak at bawal saktan din ng teacher kahit talagang makulit tapos papa tulfo kaya Yan Ang. Nangyayari sa kabataan Wala na sila kinatatakutan Wala na disiplina grabe gawa pa kau batas."

"Pag-asa ng bayan haha."

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?