Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Gener at kasalukuyan na itong nasa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 2:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyong Gener 255 kilometro ang layo sa west northwest ng Baguio City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 45 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Northwestern portion ng mainland Cagayan (Pamplona, Santa Praxedes, Abulug, Sanchez-Mira, Claveria, Ballesteros)
Babuyan Islands
Apayao
Abra
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Gener mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Miyerkules, Setyembre 18.
Bagama’t inaasahang magiging limitado raw ang paglakas ng bagyo, posible itong itaas sa tropical storm category bukas ng umaga.