Nagbigay ng kasagutan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos kung tatakbo ba siya bilang senador sa 2025 midterm elections.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Setyembre 17, sinabi ni Abalos na ang kinabibilangan niyang partido na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na lamang daw ang mag-aanunsyo kung kakandidato ba siya para sa Senado.
“Sa totoo lang, ang partido na lang po ang mag-announce nito,” ani Abalos.
“Ang final decision will be up to the PFP na kung saan ako po ay member,” saad pa niya.
Binuo noong 2018, ang PFP ay isang national political party sa bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.