November 24, 2024

Home BALITA National

Chel Diokno, miyembro na ng Akbayan Party

Chel Diokno, miyembro na ng Akbayan Party
Courtesy: Akbayan Party/FB

Pormal nang nanumpa si human rights lawyer Atty. Chel Diokno bilang miyembro ng Akbayan Party matapos niyang ideklara kamakailan na tatakbo siya bilang senador sa 2025.

Pinangunahan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang panunumpa ni Diokno nitong Martes, Setyembre 17.

Kasama rin sa mga dumalo sa pagtitipon sina Akbayan Party president Rafaela David at human rights champion Etta Rosales.

“Isa [itong] mahalagang hakbang para palakasin ang ating laban para sa karapatang pantao,” ani Diokno sa isang Facebook post.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

"Ang alyansang ito ay magbibigay-daan para ipagpatuloy ko ang Diokno legacy sa pagtataguyod ng karapatang pantao, kasama ang progresibong adhikain ng Akbayan,” dagdag niya.

Nagpasalamat din naman ang human rights lawyer at advocate sa patuloy na suporta ng dati niyang partido na Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KANP).

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ni Diokno na tatakbo siya bilang senador sa 2025 national elections, kasama sina dating Senador Kiko Pangilinan at dating Senador Bam Aquino.

MAKI-BALITA: 'To serve the people,' pakay ni Chel Diokno sa pagtakbo bilang senador sa 2025

MAKI-BALITA: 'CheKiBam': Chel, Kiko, Bam, idineklara pagtakbo bilang senador sa 2025