January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Sparkle GMA Artist Center, nagbabala sa mga pekeng recruitment at audition

Sparkle GMA Artist Center, nagbabala sa mga pekeng recruitment at audition
Photo Courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB), Freepik

Naglabas ng pahayag sa publiko ang Sparkle GMA Artist Center kaugnay sa mga kumakalat na pekeng recruitment at audition.

Sa Instagram post ng nasabing artist center kamakailan, sinabi nila na nakarating daw sa kanilang atensyon na may mga indibidwal umanong ginagamit ang pangalan ng Sparkle executives para manloko.

“It has come to our attention that there are certain individuals posing as Sparkle executives and are conducting unauthorized recruitment activities on Viber, Telegram, and WhatsApp. 

“Employees of GMA and Sparkle will never ask you to attend casting auditions, whether in person or online, where you will be required to take off your clothes,” anila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa sa pahayag: “Nor will you ever be asked to send sexy photos or image where you're unclothed. Kindly refrain from interacting with them and report them to the official social media accounts of Sparkle.”

Sa huli, inabisuhan ng GMA ang publiko kung saang mga opisyal na social media account maaaring bumisita para sa detalye ng auditions at recruitments: facebook.com/sparkleauditionsinstagram.com/sparkleauditions.