November 25, 2024

Home BALITA National

Romualdez, pinatutsadahan mga kritiko ng Kamara: 'We will not tolerate hypocrisy!'

Romualdez, pinatutsadahan mga kritiko ng Kamara: 'We will not tolerate hypocrisy!'
House Speaker Martin Romualdez (file photo)

“Hindi maaaring magturo ng daliri ang mga may sariling kasalanan.”

Pinatutsadahan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kritiko umano ng Kamara na nagsasalita tungkol sa “accountability” ngunit binabalewala ang sariling “misuse of public funds.”

Sinabi ito ng House leader sa pagbubukas ng plenary deliberations ng Kamara sa panukalang ₱6.352-trillion national budget  para sa 2025 nitong Lunes, Setyembre 16.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Romualdez sa kaniyang mga kapwa-mambabatas na kailangan nilang tiyaking tama ang paggamit ng bawat ahensya ng pamahalaan sa pera ng bayan.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

“Ang bawat sentimo ng bayan ay sagrado at narito tayo upang tiyakin na ito ay nagagamit para sa tunay na kapakanan ng sambayanan,” ani Romualdez.

“However, we cannot ignore the reality that there are those who seek to undermine our work – critics who speak of accountability while conveniently ignoring their own misuse of public funds.”

“To these individuals, I say, let us be clear: this chamber will not tolerate hypocrisy, [or] will it stand idle in the face of such blatant disregard for public trust. Hindi maaaring magturo ng daliri ang mga may sariling kasalanan,” giit pa niya.

Hindi naman nagbigay ng pangalan si Romualdez hinggil sa naturang pinatutungkulan niyang mga kritiko ng Kamara.

Samantala, sinabi ng House leader na dadaan daw sa “tamang proseso” ang kanilang pagsisiyasat ng pondo ng bawat ahensya ng gobyerno.

“Sa harap ng Kongreso, lahat ay dadaan sa tamang proseso, at walang makakatakas sa pananagutan. This House of Representatives has always stood by principles of transparency and accountability,” ani Romualdez.

“Contrary to what some people may claim, we have worked tirelessly to ensure that every government agency’s expenditure is examined with careful scrutiny, and that every program funded by the people’s money is aligned with the country’s priorities,” saad pa niya.