December 23, 2024

Home BALITA

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center
Photo courtesy: via Balita

Sinabi ng isa sa mga abogado ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na patuloy lamang daw sa pagsasagawa ng bible study ang tinaguriang "appointed Son of God" habang naka-detain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Atty. Mark Tolentino na bible study daw ang pinag-uusapan nila ng kliyente kapag nagkikita sila sa detention center, sa halip na mga legal na hakbang sa kinahaharap nitong kaso, na may kinalaman sa rape, human trafficking, at child abuse.

Ayon pa kay Tolentino, nababagot na si Quiboloy matapos ilipat sa Pasig City Jail ang kaniyang apat na kasamahan.

“Nag-Bible study po kami doon. We were talking about the word of God… Nagpapasalamat po ako kay Pastor Quiboloy for the opportunity na one-on-one kaming dalawa lang. We talked about the bible, 'yong mga spiritual na mga teachings sa bible. ‘Iyon lang ginagawa natin ngayon,” aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Hindi na rin nagbigay ng detalye ang abogado patungkol sa mangyayaring hearing sa mga kaso.

"'Yong opinyon ko, allegation is not equivalent to guilt. ‘Yon lang sabi ko and there is a presumption of innocence unless proven guilty beyond reasonable doubt. Kailangan hindi tayo puwede mag-chismis lang, kailangan based tayo sa batas, based sa jurisprudence, and based sa ebidensya," aniya pa.