January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nahaharap sa kasong estafa: Ken Chan, nagbebenta ng properties pambayad-utang?

Nahaharap sa kasong estafa: Ken Chan, nagbebenta ng properties pambayad-utang?
Photo courtesy: Ken Chan (IG)

Nadudurog daw ang puso ni Ogie Diaz para sa Kapuso actor na si Ken Chan matapos itong madawit sa kasong syndicated estafa kaugnay sa isang investment, dahil kilala raw niyang mabait na bata ang aktor.

Unang lumutang ang isyung ito dahil sa blind item ng entertainment site na Philippine Entertainment Portal o PEP.

MAKI-BALITA: Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Nauna nang naibalita ni Ogie sa kaniyang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" na umano'y may warrant of arrest na raw para kay Ken at sa iba pang mga incorporator dahil nga sa reklamo ng ilang nag-invest daw sa negosyo nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi naman daw maipagtanggol ni Ogie si Ken dahil wala naman itong binibitiwang opisyal na pahayag kaugnay sa mga isyung lumiligid patungkol sa kaniya, at ang nakikita lamang sa social media accounts niya ay okay na okay siya.

Sa tingin naman ni Ogie, paraan ito ni Ken upang ipakita sa kaniyang fans at supporters na nasa maayos siyang kalagayan at huwag nila siyang intindihin.

Pero tanong naman ni Mrena, isa sa co-hosts ni Ogie, nasaan daw ba ang Kapuso actor at bakit ito nagtatago?

Ani Ogie, iyon na nga raw ang malaking tanong dahil napaulat daw na nagtago sa Japan at Amerika si Ken, at sana raw ay harapin na niya ang mga kaso niya dahil hindi habambuhay na matatakasan niya ang mga asuntong kailangan niyang sagutin.

May nakausap din umano ang showbiz insider na habang nasa tagong lugar daw ang aktor ay talagang pilit siyang nagbebenta ng properties.

"Habang nasa tagong lugar itong si Ken Chan ay pilit siyang nagbebenta ng mga properties," sey ni Ogie.

"So, sa tingin mo 'Nay iyang pagbebenta ng properties ay para harapin 'yong mga ibinabato sa kaniyang mga isyu?" tanong ni Mama Loi.

"I think so. Kasi 'yong isa ibinebenta na niya 'yong lote niya doon sa Tagaytay. Siguro ito ay para makabawas-bawas din sa mga utang... kasi nga, 'yong isang partner daw ni Ken Chan ang parang kumamkam, 'yong kumuha daw ng most of the money..." tsika pa ni Ogie.

"Meron pang nagkuwento sa akin na hindi sila titigil hangga't hindi raw nila napapanagot si Ken Chan," saad pa ni Ogie.

Nang tanungin naman ni Mama Loi si Ogie kung hindi ba nakikiusap si Ken sa mga naghahabol sa kaniya, sinabi raw ng kausap ng showbiz insider na mahabang panahon o palugit na raw ang ibinigay nila sa aktor para maibalik ang mga inilabas at ininvest nilang pera, na umabot na raw sa demandahan.

Kung si Ogie daw ang nasa kalagayan ni Ken ay haharapin daw niya ang nakaambang kaso, at kung may magtitiwala pang kaibigan sa kaniya, ay puwede muna siyang humiram ng pera para maibalik na ang mga perang hinahabol ng investors at matigil na rin ang demanda laban sa kaniya, upang malinis din ang kaniyang pangalan.

Sinilip ng Balita ang Instagram posts ni Ken Chan at kapansin-pansing marami na sa mga netizen ang nagtatanong sa kaniya kung totoo ba ang "tsismis" na ipinupukol sa kaniya. 

Huling Instagram post ni Ken ay sa kaniyang Christmas-themed restaurant na Cafe Claus. 

"We fought for you, we believed in you..Thank you Café Claus," mababasa sa kaniyang caption. 

Tinadtad naman ng tanong at usisa ang comment section ng kaniyang posts. 

"Totoo po ba ang chismis?"

"mahigpit na yakap Kuya @akosikenchan God is with you"

"You have a warrant of arrest daw?"

"We all praying for you Doc. Kahit Anong issue we r here for you."

"Nagtatago ka ba?"

"Take all the time you need. We will be here always, whenever you are ready to return!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ken Chan patungkol sa isyu.