December 23, 2024

Home SPORTS

Marcio Lassiter PBA record holder na; Beermen itinumba ang Ginebra

Marcio Lassiter PBA record holder na; Beermen itinumba ang Ginebra
Photo courtesy: PBA website

Hindi na nagawang makahabol ng Brgy. Ginebra Kings matapos maagang umarangkada ang San Miguel Beermen at kuhanin ang ikalima nilang panalo sa Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup noong Linggo, Setyembre 15, 2024.

Sa first quarter pa lamang ay tinambakan na ng Beermen ang Ginebra, 37-13 kung saan nagpaulan ng tres si Beerman Guard Marcio Lassiter na siyang ininda ng Ginebra hanggang fourth quarter at nagtapos ang laban sa iskor na 131-82.

Kagabi rin iginuhit ni Lassiter ang sarili niyang record bilang PBA all-time 3-point record matapos niyang makamit ang kabuuang 1,251 three-point field goal kung saan tuluyan niyang nilampasan sa no.1 spot si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na may 1,250.

Nilampasan ng 47-anyos na Guard ang 8 taong record ni Jimmy Alapag habang inabot naman ng 17 taon si Alapag bago magawang tablahin ang record ni PBA Legend Allan Caidic na mayroong 1,242 triple record.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinangunahan ni Lassiter ang Beermen matapos niya ring magtala ng 18 puntos upang mapanatili ang 49 kalamangan kontra Ginebra. Sinigundahan din nina June Mar Fajardo ang San Miguel na gumawa ng 24 puntos at CJ Perez na may 22 puntos. Habang bumuo naman ng magkasamang 37 puntos sina Terrence Romeo at import na si Jordan Adams at Don Trollano upang maiuwi rin sa koponan ang kauna-unahang biggest winning-margin sa kanilang franchise history.

Sinubukan makadikit ng Ginebra mula sa liderato nina Justin Brownlee na nagtala ng 16 puntos at Rookie RJ Abarrientos na may 19 puntos ngunit bigo silang mapigilan ang pamamaga ng lamang ng Beermen kung saan ito rin ang kauna-unahang pinakamalaking losing margin na naranasan ni Ginebra Head Coach Tim Cone sa kaniyang karera.

Tinabla ng Beermen sa no.1 spot ng team standing ang Brgy. Ginebra na kapwa may 5-3 record.

Kate Garcia