November 25, 2024

Home BALITA National

Kiko, flinex na solid pa rin sila ni Leni: 'Ewan ko lang sa iba'

Kiko, flinex na solid pa rin sila ni Leni: 'Ewan ko lang sa iba'
Photo courtesy: dating Senador Kiko Pangilinan

Flinex ni dating Senador Kiko Pangilinan na hanggang ngayon ay “solid” pa rin sila at may “totoong unity” ni dating Vice President Leni Robredo.

Sa isang X post, ibinahagi ni Pangilinan ang naging pagbisita niya kay Robredo noong nakaraang linggo sa Naga City para sa Peñafrancia Festival.

“Guess who I went to visit for the Peñafrancia Festival in Naga City? Salamat Ma’am for hosting dinner and for joining me in helping me create content for my food vlog! Abangan!” ani Pangilinan sa kaniyang post.

“Naguumpisa pa lang tayo! Tuloy lang!”

National

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

Hirit pa ng dating senador: “Ewan ko lang sa iba pero kami solid pa rin at totoo ang unity. Weh?”

Matatandaang sina Robredo at Pangilinan ang mag-running mate nang tumakbo sila bilang pangulo at bise presidente ng bansa, ayon sa pagkakabanggit, noong 2022 national elections. 

Nakalaban ng dalawa ang mga kasalukuyang top officials na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, na naging mag-running mate sa ilalim ng ticket ng UniTeam.

Kaugnay nito, matatandaang naging muling usap-usapan kamakailan ang pagkabuwag ng “UniTeam” matapos humingi siya ng tawad ni Duterte sa lahat ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan daw niya ang mga ito na iboto si Marcos noong 2022 national elections.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

Nagbigay naman ng reaksyon si Marcos kamakailan sa naturang pahayag ni Duterte laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: PBBM, nag-react sa pagsisisi ni VP Sara na nakiusap na iboto siya bilang pangulo