January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Kampeon ng The Clash, muntik mabiktima ng fake cast call audition ni 'Jun Lana'

Kampeon ng The Clash, muntik mabiktima ng fake cast call audition ni 'Jun Lana'
Photo Courtesy: Jeremiah Tiangco (FB), via MB

Nakunan mismo ng video ni The Clash Season 2 Grand Champion Jeremiah Tiangco ang tangkang panloloko sa kaniya ng nagpakilalang Direk Jun Lana para sa isa umanong casting call audition.

Matatandaang si Lana ay isang premyadong direktor. Ilan sa mga pelikula niyang kinilala ay ang mga sumusunod: Barber’s Tale, About Us But Not About Us, Bwakaw, Die Beautiful, at marami pang iba.

Sa Facebook post ni Jeremiah kamakailan, sinabi niya sa inilabas niyang video statement na natunugan niya raw agad ang kahina-hinalang balak ng scammer.

“Parang feeling ko may nabubuo nang theory sa utak ko na nadale ako ng mga gumagamit ng names sa GMA. Ginamit pa nila si Miss Annette [Gozon-Abrogar]. Ginamit nila si Miss Joy Marcelo. Ginamit nila si Direk Jun Lana,” saad ni Jeremiah.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

“Chinat ko si Direk Jun [sa Instagram], hindi naman nagre-reply. Itong lalaking ito, he was asking me to maghuhubad daw. Well, kung totoong audition naman, gagawin natin,” wika niya.

Dagdag pa ng singer: “Pero kumbaga, medyo na-sketchy-han ako. Hindi siya nagpakita. Ako lang ‘yong nasa camera. [...] Nakakalungkot lang na may mga gano’ng tao.”

Sa huli ni Jeremiah, ipagbebenta umano ng scammer ang video niya dahil ang hinihingi umanong role sa proyekto ay daring. Kaya naman pinag-iingat niya ang mga kapuwa artista.

Samantala, naglabas na ang GMA Sparkle Artist Center kaugnay sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng kanilang executives para manloko ng kapuwa.

MAKI-BALITA: Sparkle GMA Artist Center, nagbabala sa mga pekeng recruitment at audition