December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere
Photo courtesy: GMA Network (FB)

Hanggang Oktubre 2024 na lamang daw ang cooking talk show ni Carmina Villarroel kasama ang dalawang anak na kambal nila ng mister na si Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi, na napapanood tuwing Sabado bago ang "It's Showtime," sa GMA Network.

Originally, ang show ay hosted ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid at may titulong "Sarap Diva," subalit nang lumundag na nga ang singer-actress-host sa ABS-CBN noong 2018, imbes na tigbakin ang show ay si Mina na nga ang sumalo kasama ang mga anak, at pinalitan na rin ang pangalan nito na katunog din ng una.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, noong nagdaang linggo ay nasabihan na raw ang production team tungkol dito kaya nalungkot daw sila dahil lagpas dekada na ring umeere ang show, na nagsimula noong 2012.

Hindi pa sinasabi ng GMA Network ang tungkol sa pagsibak sa show, subalit ang tsika, isang variety show ng Kapuso Network ang papalit sa timeslot nito (hindi kaya TikToClock?)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Wala pa ring reaksiyon, tugon, o pahayag ang mag-iina tungkol sa tsikang ito. For sure, malulungkot sina Mavy at Cassy dahil itong show na ito ang masasabing stepping stone nila para tuluyang pasukin ang showbiz.

Hindi nabanggit sa ulat kung ano ang dahilan kung bakit tsutsugihin na ang programa sa ere.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento mula sa netizens, sa comment section ng ulat:

"atleast tumgal din to...nareformat from sarap diva to sarap diba buti nlng pnagptuloy nla Ng umalis si song bird sa gma at ngayon extra nlng...Kya great job prin..."

"Baka hindi na nagre-rate, ganun lang naman 'yon..."

"They had a good run. Congrats!"

"It's okey, for sure my bagong mas maganda Ang ipapalit ng gma!"

"D kasi talaga masarap"

"sana ibalik ang mahal kong maynila. kase lagi akong extra dun eh, may role pa. dun ako nagumpisa kaya sana bumalik tasckunin ulit ako."

"Ayan pala yung 'Blind item' na nakita ko nung isang araw..."

Samantala, wala pang reaksiyon, pahayag, o kumpirmasyon ang GMA patungkol sa usap-usapang ito.