Kasama raw pala sana ang politiko at award-winning actor na si Arjo Atayde sa bagong Kapamilya teleserye na “Incognito.”
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Setyembre 16, isiniwalat ni Arjo ang dahilan kung bakit niya raw binitawan ang nasabing proyekto.
“I feel really bad for not being part of that soap. I have priorities for now. I have to be a 100 percent committed. If not 100 percent, it’s unfair to my co-actors,” saad ni Arjo.
Dagdag pa niya: “I work at 100 percent with these guys. Given the opportunity, I want to give it my all. For now, I have to focus on this [political career].”
Gayunman, ayon kay Arjo, umaaasa raw siyang makabalik next year sa pagteteleserye na aniya’y playground daw niya.
“Siguro po next year. I’ve been gone for about five years. Marami na pong nangyari. Definitely, I’m looking forward to coming back and to be back on my playground,” aniya.
Matatandaang inilabas na noong Agosto ang pasilip sa nasabing teleserye kung saan bibida sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Maris Racal, at marami pang iba.
MAKI-BALITA: 'He's back-bakan na!' Daniel Padilla, may tatlong 'bago'