July 27, 2026

Home SHOWBIZ

Anak nina Manny at Jinkee, mag-aaral na sa London; nagkaiyakan sa airport

Anak nina Manny at Jinkee, mag-aaral na sa London; nagkaiyakan sa airport
Photo courtesy: Screenshots from Jinkee Pacquiao (IG)

Naging emosyunal ang pamilya Pacquiao, lalo na ang magkapatid na Princess at Queenie, matapos nilang ihatid ang una sa airport para sa pagtungo nito sa London para mag-aral sa kolehiyo.

Ibinida ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang Instagram post ang video ng paghatid nila sa anak sa airport.

Makikitang nagyakap nang mahigpit habang emosyunal ang mag-ateng sina Princess at Queenie.

Bukod kay Jinkee, present din sa paghatid si Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao.

"Alis na si Princess for college. Wala gyud na sila nagbulag sukad karun lang na mag eskwela na sa London si Princess. hilak pud ang inahan nag tan aw sa ilaha," mababasa sa caption ni Jinkee.

Tsika at Intriga

Sigaw ni Brent Manalo: 'No to Pax Silica!'

Bukod kina Princess at Queenie, ang iba pang anak ng mag-asawa ay sina Jimuel, Michael, at Israel Pacquiao.