December 22, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?
Photo courtesy: Inspiring Life Stories via Opinyon Bicol (FB)

Naging paksa ng usapan ang post sa page na "Opinyon Bicol" matapos nilang itampok ang isang larawan na umano'y mula sa bansang Germany, kung saan, may ilang mga lugar daw na sinasabitan ng supot ng mga pagkain na sadyang laan para sa mga mahihirap, walang makain, nagugutom, at bulnerable.

Naka-credit sa "Inspiring Life Stories," maihahalintulad daw ang nabanggit na gawain sa "community pantry" sa Pilipinas.

Ang community pantry, na sumikat sa kasagsagan ng pandemya, ay isang gawain kung saan libreng makakukuha ng mga bagay na puwedeng gamitin sa paghahanda ng pagkain subalit kailangan ding lagyan ito ng kapalit. Sumikat pa nga ang tagline nitong "Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan."

Isa sa magagandang halimbawa nito ay ang "Maginhawa Community Pantry" na inorganisa ni Ana Patricia Non, na pinagbatayan na rin ng ideya ng iba't ibang klase ng community pantry, na hindi lamang sumasaklaw sa mga gulay, prutas, sangkap sa pagluluto, at iba pang pagkain.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Mababasa sa Facebook post ng page, "Sa isang tahimik na sulok ng Germany, mga bag ng pagkain ay maingat na isinasabit para sa mga nangangailangan—ang mahihirap, nagugutom, at mga bulnerable. Walang mga pampublikong palabas o kasiyahan, walang kamera o video na magtatala ng aksyon."

"Ito ay isang di-nasasalitang kilos ng kabutihan at serbisyo, ginawa nang may kababaang-loob at malasakit. Ang tahimik na kabaitan na ito, na walang hangad na pagkilala, ay isang makapangyarihang paalala na ang tunay na pagkabukas-palad ay madalas hindi nakikita, ngunit malalim ang nagiging epekto," mababasa rito.

Sa comment section, pinagtalunan ng mga netizen kung uubra o posible bang magawa rin dito sa Pilipinas ang ganitong magandang gawain.

"Ay sa Pilipinas di ko nilalahat magpakain ng champorado na walang asukal marami pa camera kaysa sa gatas."

"Pero pag me Pinoy na nakadaan dyan, giraffe neck agad eh!"

"Naku po di pwd sa Pinas dami mapanlamang"

"Good practices, helping without any publicity.. Yan talaga maganda."

"Dapat ganyan. Kaya lang kung dito sa Pilipinas gawin yan, isa-limang tao lang ang makikinabang nyan. Dahil dito sa bansa natin karamihan hindi iniintindi ang iba . Pag kumuha kasi basta libre uubusin lahat."

"A country with well educated people. Kahit mga mahihirap sa kanila, natuturuan ng magandang ugali mga anak nila.

Yan ang kaibahan dito sa atin. Kapag dito yan, kahit may kakayanan sasamantalahin yan. Parang 4ps lang yan, sinasamantala ng mga taong tamad at mapanlamang sa kapwa."

"dito sa pinas kahit mayayaman hindi rin pinalalampas ang mga ayuda kaya ang ending walang slot para sa lahat ng mahihirap."

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito? Posible nga ba ito sa Pilipinas?