November 25, 2024

Home BALITA National

PAGASA, may binabantayang 2 LPA sa loob, labas ng PAR

PAGASA, may binabantayang 2 LPA sa loob, labas ng PAR
Courtesy: PAGASA/FB

Dalawang low pressure area (LPA) sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Setyembre 15.

Sa tala ng PAGASA dakong 8:00 ng umaga, huling namataan ang LPA sa loob ng PAR 440 kilometro ang layo sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Mababa naman daw ang tsansang mabuo bilang isang bagyo ang LPA sa loob ng 24 oras.

Samantala, huling namataan ang LPA sa labas ng PAR 2,145 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas.

National

‘Mum and I love you!’ PBBM, binati anak na si Simon sa kaarawan nito

Mayroon naman umanong "bahagyang" mataas na tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA sa loob ng 24 oras.

**Ito ay isang developing story.