October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Lloyd Cadena, nagparamdam sa ina

Lloyd Cadena, nagparamdam sa ina
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT)

Ibinahagi ni Lorita Cadena o mas kilala bilang “Mother Kween” ang kaisa-isang pagkakataong nagparamdam sa kaniya ang pumanaw niyang anak na si Lloyd Cadena.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 15, sinabi ni Mother Kween na isang beses daw ay napanaginipan niya ang bata pang si Lloyd sa isang magandang paligid.

Ayon sa kaniya: “Nanaginip ako no’n pumunta raw ako ng parang malaking bahay, malaking garden. Ang ganda talaga ng paligid. Puro mga halaman, bulaklak. Nagpicnic daw kami no’n.

“Tapos nakita ko si Lloyd doon. He’s a little boy. Mga 5 years old. Naghahabol siya ng mga tutubi, paruparo, doon sa garden na ‘yon,” dugtong pa ni Mother Kween.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya naman masayang gumising si Mother Kween matapos matulog dahil tila ipinapahiwatig daw ng panaginip na nasa magandang kalagayan si Lloyd saan man ito narron.

Gayunman, sa kabila nito, aminado si Mother Kween na hindi pa rin daw siya nakaka-move on mula sa nangyari sa kaniyang anak.

Matatandaang noong Setyembre 4, 2020, mahigit dalawang linggo bago ang kanyang ika-27 na kaarawan, pumanaw ang vlogger sa edad na 26.

Namatay si Cadena dahil sa atake sa puso ilang araw lamang matapos siyang magpositibo sa coronavirus.

MAKI-BALITA: Pamilya at fans ni Lloyd Cafe Cadena, ginunita ang 2nd death anniversary ng vlogger