November 25, 2024

Home BALITA National

Leni-Kiko nag-collab, sinayaw isang TikTok trend

Leni-Kiko nag-collab, sinayaw isang TikTok trend
(Courtesy: Kiko Pangilinan/FB screengrab)

Game na game na nag-collab sina dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan habang sinasayaw ang isang dance craze ngayon sa TikTok.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, ibinahagi ni Pangilinan ang isang video clip kung saan sinasayaw nila ni Robredo ang TikTok trend na “doodle.”

“TikTok collab with ma'am Leni RobredoTuloy lang! Happy Sunday everyone,” caption ni Pangilinan sa kaniyang post.

Mapapanood naman sa video na pagkatapos nilang sumayaw ay nagbigay ng mensahe si Pangilinan sa kanilang mga taga-suporta.

National

‘Mum and I love you!’ PBBM, binati anak na si Simon sa kaarawan nito

“Okay, now that we have your attention, buhayin na iyong mga GC (group chat) at see you next year,” aniya.

Matatandaang sina Robredo at Pangilinan ang mag-running mate nang tumakbo sila bilang pangulo at bise presidente ng bansa, ayon sa pagkakabanggit, noong 2022 national elections. Tinawag ang kanilang mga tagasuporta na “Kakampinks.”

Samantala, kamakailan lamang ay inanunsyo ni Robredo na tatakbo siya bilang alkalde ng Naga City, sa halip na senador, sa 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Robredo, ipinaliwanag dahilan ng hindi niya pagtakbo bilang senador sa 2025

Si Pangilinan naman ang nag-anunsyo kamakailan na kakandidato bilang senador sa susunod na taon, kasama sina dating Senador Bam Aquino at human rights lawyer Atty. Chel Diokno.

MAKI-BALITA: 'CheKiBam': Chel, Kiko, Bam, idineklara pagtakbo bilang senador sa 2025

MAKI-BALITA: Kiko Pangilinan, tatakbong senador para sa 'better future' ng mga Pinoy