October 14, 2024

Home SPORTS

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta
Photo Courtesy: Kendra Kramer (IG)

Masayang ibinahagi ni Kendra, anak ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer, ang pagbabalik niyang muli sa swimming.

Sa latest Instagram post ni Kendra nitong Sabado, Setyembre 14, sinabi niya na may mga oras na gusto na raw niyang sumuko sa ginagawa.

“Hard work truly pays off. There are times when I feel like giving up, but those moments only motivate me to keep pushing forward,” saad ni Kendra.

“Mental toughness is incredibly important in sports, and I’m so grateful for my family, coaches, and friends who cheer me on and keep me going,” aniya.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Dagdag pa niya: “To all the athletes out there: KEEP GOING! Remember, AUDIENCE OF ONE always. Only you Lord!”

Nagpaabot naman ang mga netizen ng kani-kanilang suporta at paghanga para kay Kendra. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Go Kendraaaa!!! "

"Proud of you ate Ken!"

"Bravo Kendra!! love your work ethic "

"Alam ko matagal tagal pa ito pero gustong gusto ko talaga siyang sumali sa MU. Sana she will consider that career path pag nasa right age na siya."

"SO PROUD OF U"

"Go Kendra !!"

"Way to go Ken"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 105k likes 105 comments ang nasabing post.