December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Book launch ni National Artist Ricky Lee, dinaluhan ng naglalakihang celebrities

Book launch ni National Artist Ricky Lee, dinaluhan ng naglalakihang celebrities
(Photo: MJ Salcedo/Balita)

Dinaluhan ng naglalakihang celebrities ang book launching ng mga bagong libro ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee na “Kalahating Bahaghari” at “Kabilang sa mga Nawawala/Among the Disappeared” nitong Sabado, Setyembre 15.

Nagbasa ng excerpts ng mga bagong aklat ni Lee ang celebrities na sina Agot Isidro, Iza Calzado, Dingdong Dantes, Elijah Canlas, Cedrick Juan, at Meryll Soriano.

Kasama sa mga nag-perform sa book reading ang mga personalidad na sina Erik Matti, Liza Diño-Seguerra, Andrea Pasion-Flores, at Klara Espedido.

Samantala, nagtanghal ng mga awitin sa programa sina Bayang Barrios at Ice Seguerra.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Nagsilbi naman host sina John “Sweet” Lapus at Candy Pangilinan.

Ginanap ang book launch event ni Lee para sa “Kalahating Bahaghari” at “Kabilang sa mga Nawawala/Among the Disappeared” sa ikaapat na araw ng weeklong Manila International Book Fair (MIBF) 2024 sa SMX Convention Center.

Ang “Kalahating Bahaghari” ay umiikot sa mga danas ng LGBTQIA+ community. Ito ang ikalimang nobela ni Lee, ang mga nauna ay ang: “Para kay B”, “Si Amapola sa 65 na Kabanata,” “Bahay ni Marta,” at “Lahat ng B.”

Samantala, ang “Kabilang sa mga Nawawala/Among the Disappeared” ay tungkol sa kuwento ng isang batang desaparecidos. Isinalin ito sa Ingles nina National Artist for Literature Bienvenido Lumbera at Ben Medina. Sinulat daw ni Lee ang first draft ng short story ng “Kabilang sa mga Nawawala” noong 1988.