November 23, 2024

Home BALITA Metro

Trillanes, tatakbong mayor ng Caloocan: 'Parating na po ang pagbabago'

Trillanes, tatakbong mayor ng Caloocan: 'Parating na po ang pagbabago'
Courtesy: Dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes/FB

Pormal nang idineklara ni dating senador Antonio Trillanes na tatakbo siya bilang alkalde ng Caloocan City sa 2025 national elections.

Inanunsyo ito ni Trillanes sa pamamagitan ng isang X post nitong Sabado, Setyembre 14.

“Today, I formally announce my candidacy for Mayor of Caloocan City in the 2025 elections. Parating na po ang pagbabago…” ani Trillanes sa kaniyang post.

Matatandaang naging senador si Trillanes sa 14th, 15th, at 16th Congress mula 2007 hanggang 2010, 2010 hanggang 2013, at 2013 hanggang 2016. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Tumakbo siya bilang bise presidente ng bansa noong 2016 ngunit natalo. Ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang termino sa Senado sa 17th Congress mula 2016 hanggang 2019.

Kumandidato rin si Trillanes bilang senador noong 2022, ngunit hindi siya pinalad na muling maluklok sa pwesto.