November 22, 2024

Home SPORTS

Matapos mag-Grand slam: Creamline balik national team, Alas Pilipinas ekis na?

Matapos mag-Grand slam: Creamline balik national team, Alas Pilipinas ekis na?
Photo courtesy: Creamline Cool Smashers (FB) and PVL website

Usap-usapan ngayon sa volleyball fans ang kumakalat sa social media na invited teams ng VTV Cup 2025 kung saan ang koponan ng Creamline Cool Smashers (CCS) ang kakatawan para sa bansa.

Matatandaang umukit ng kasaysayan ang CCS matapos nilang makuha ang ika-10 kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL) at masungkit ang kauna-unahang grand-slam sa buong liga nang talunin nila ang Cignal HD Spikers sa isang 5-setter match-up noong Huwebes, Setyembre 12, 2024 sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Base sa umano’y official line-up ng VTV Cup, makakalaban ng Creamline ang ilang koponan mula sa Japan, Russia, South Korea, China, USA at Poland.

Ang VTV Cup ay isang volleyball league na inoorganisa ng Volleyball Federation ng Vietnam kasama ang main sponsor na Vietnam Television.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, isa rin sa inaabangan ng fans ang posible umanong paghaharap ng Creamline kontra sa koponan ni Choco Mucho middle blocker Maddie Madayag na nauna nang pumirma ng kontrata sa para sa Kurobe Aqua Fairies ng Japan.

Sa kabila ng umuugong na balita wala pang kumpirmasyon mula sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) tungkol sa paglahok ng bansa sa VTV Cup at kung sino ang koponang ipadadala rito.

Matatandaang bigong makakuha ng panalo ang Alas Pilipinas sa ginanap na friendly match-up nito kontra sa koponan ng Japan, habang nasabayan naman ito ng magkasunod na kampeonato ng nangungunang pro team sa bansa sa magkahiwalay na conference ng PVL.

Kate Garcia