January 23, 2025

Home BALITA National

Dahil sa mataas na rating: PBBM, mas gagalingan pa raw ang trabaho

Dahil sa mataas na rating: PBBM, mas gagalingan pa raw ang trabaho
photo courtesy: Revoli S. Cortez/PPA POOL via Noel Pabalate/MB

Matapos makakuha ng "very good" rating sa latest Social Weather Stations (SWS) survey, mas gagalingan pa raw ng administrasyong Marcos ang pagtatrabaho.

Nakakuha ng "very good" rating si Pangulong Bongbong Marcos dahil sa pagtulong umano sa mga biktima sa panahon ng kalamidad, pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon ng mga bata, at pagtulong sa mga mahihirap na indibidwal.

“While we are elated by this validation of our hard work, we view it more as a challenge to do even better. Indeed, positive ratings always encourage us, but we remain focused on improving the key metrics that fulfill our promises to the people," saad ni PBBM sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 14.

"We take the high road in our efforts, not merely to seek popularity, but to render genuine and effective service that improves our people’s lives, strengthens our nation and secures our future. More than the results of any opinion poll, this is the true reward and reaffirmation we seek," dagdag pa niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa resulta ng SWS survey, na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1, ipinakita nito na 62% ng Pilipino ang "satisfied" sa administrasyong Marcos habang 22% naman ang "dissatisfied." Nasa 15% naman ang undecided. 

Ipinakita rin ng resulta na nagkaroon ng double-digit increase na +40 sa satisfaction ratings na administrasyon sa rehiyon sa bansa, ang Metro Manila ang pinakamataas, na sinundan ng Luzon, Visayas, at Mindanao.