November 25, 2024

Home BALITA National

ALAMIN: Listahan ng special non-working days sa iba't ibang lokalidad sa 'Pinas

ALAMIN: Listahan ng special non-working days sa iba't ibang lokalidad sa 'Pinas
Courtesy: Pixabay/website

Nag-isyu si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga proklamasyon na nagdedeklara ng “special non-working days” sa iba’t ibang mga lokalidad sa Pilipinas.

Narito ang listahan ng special non-working days sa iba’t ibang mga lungsod o probinsya sa bansa:

September 20, 2024 – Dingras, Ilocos Norte

Sa ilalim ng Proclamation 680, idineklara ni Marcos ang Setyembre 20, 2024 na special non-working day sa Dingras bilang pagbibigay-pugay sa kapanganakan ni Josefa Llanes-Escoda, isang World War II heroine at founder ng Girl Scouts of the Philippines.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

September 21, 2024 – San Mateo, Rizal

Sa ilalim ng Proclamation 681, idineklara ang Setyembre 21, 2024 bilang isang special non-working day sa San Mateo upang bigyan daw ang mga residente ng buong pagkakataong lumahok sa pagdiriwang ng 452nd founding anniversary ng kanilang bayan.

October 4, 2024 – Mountain Province

Sa ilalim ng Proclamation No. 682, idineklara ang Oktubre 4, 2024 bilang special non-working day sa lalawigan ng Mountain Province bilang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Provincial Indigenous People’s Day.

October 7, 2024 – Guipos, Zamboanga del Sur

Sa ilalim ng Proclamation No. 683, idineklara ang Oktubre 7, 2024 bilang special non-working day sa Guipos para sa pagdiriwang ng ika-33 Araw ng Guipos.

October 23, 2024 – Narvacan, Ilocos Sur

Sa ilalim ng Proclamation No. 684, idineklara ang Oktubre 23, 2024 bilang special non-working day sa Narvacan para sa pagdiriwang ng Aldaw Ti Wayawaya-lli A Narvacan. 

October 24, 2024 – Pili, Camarines Sur

Sa ilalim ng Proclamation No. 685, idineklara ang Oktubre 24, 2024 bilang special non-working day sa Pili para magkaroon daw ang mga residente ng pagkakataong makiisa sa pagdiriwang ng Cimarrones Festival.

October 25, 2024 – Lemery, Batangas

Sa ilalim ng Proclamation No. 686, idineklara ang Oktubre 25, 2024 bilang special non-working day sa Lemery para sa pagdiriwang ng founding anniversary ng lungsod.