Iginiit ni Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City 2nd district Rep. Stella Quimbo na ginagawa lamang ng House Committee on Appropriations ang kanilang trabaho matapos irekomendang tapyasan ng ₱1.29 bilyon ang panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP).
Matatandaang nitong Huwebes, Setyembre 12, nang ianunsyo ni Quimbo na inirekomenda ng House Committee on Appropriations na bigyan ng ₱733.198 milyong budget ang opisina ni Vice President Sara Duterte sa 2025, mahigit kalahati ang nakaltas mula sa ₱2.037 bilyong panukalang budget ng opisina.
MAKI-BALITA: ₱2.036B proposed budget ng OVP sa 2025, balak bawasan ng ₱1.29B!
Ire-realign daw ang kakaltasing ₱1.29 bilyon ng OVP sa mga serbisyong panlipunan tulad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).
MAKI-BALITA:
Kaugnay nito, sinabi ni Quimbo sa press conference na trabaho lamang daw ang kanilang ginagawa, at hindi umano naipaliwanag ni Duterte ang proposed budget ng OVP matapos nitong hindi dumalo sa pagpapatuloy ng budget hearing noong Martes, Setyembre 10.
“Well sa amin, trabaho lang po ang ginagawa natin . At the end of the day, ang most important thing to ask would be the information needed to reflect on the budget, iyon lang talaga,” ani Quimbo na inulat ng Manila Bulletin.
"So, to the extent, iyong absence niya did not shed light on many issues sa aking palagay ang naka-affect. Yung kakulangan ng information ‘yan ang naka-affect talaga,” saad pa niya.
Pagkatapos ng deliberasyon ng House Committee on Appropriations, nakatakda raw isagawa ang plenary debates sa proposed ₱6.352-trillion national budget para 2025 sa darating na Lunes, Setyembre 16.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ano ang susunod na pagdadaanan ng proposed budget ng OVP?