December 23, 2024

Home SPORTS

‘Game over!’ James Yap, magreretiro na?

‘Game over!’ James Yap, magreretiro na?
Photo courtesy: PBA website

Tila nalalapit na rin ang pagtatapos ng kampanya sa Philippine Basketball Association (PBA) ni two-time Most Valuable Player (MVP) James Yap, matapos kumpirmahin ni Blackwater Bossing owner Dioceldo Sy ang umano’y retirement plan nito.

Sa isang panayam sa isang radio show, sinabi ni Sy na nagkaroon daw sila ng pag-uusap ni Yap tungkol sa maiiwanang kontrata nito sa Blackwater.

“Lumapit na si James sa akin para i-open up ang retirement plan niya, baka hindi na tapusin ang kontrata,” saad ni Sy.

Si Yap ay kasalukuyang konsehal sa lungsod ng San Juan City na isa rin sa umano’y dahilan nito sa pagreretiro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Constituents na ang priority ni James, madalas nga na umalis siya sa practice kapag kailangan siya sa San Juan City Hall, also, madaming injury.” dagdag pa ni Sy.

Matatandaang 2004 nang pasukin ni Yap ang PBA matapos siyang itanghal bilang ‘second overall rookie draft’ ng Purefoods TJ Hotdogs.

Nananatiling franchise player ng Purefoods si Yap sa loob ng 12 taon at tinulungan ang koponan na makakuha ng 7 kampeonato kung saan apat na beses niya rin inuwi ang Finals MVP at isang Best Player of the Conference award.

Samantala, taong 2016 naman nang i-trade siya ng Purefoods sa Rain of Shine Elasto Painters kapalit ni Paul Lee.

Nanatili si James sa Rain or Shine sa loob ng 6 na taon bago lumipat sa Blackwater na kasalukuyan niyang koponan.

Kate Garcia