November 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae
Photo Courtesy: Mayor Ticoy Mendoza (FB), via MB

Naglabas ng pahayag si Atimonan mayor Rustico “Ticoy” Mendoza kaugnay sa umano’y karumal-dumal na krimeng nangyari sa 10-anyos na batang babae sa nasabing bayan.

Matatandaang ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Setyembre 10, ay brutal na pinatay umano ang batang babae.

Pangunahing suspek umano sa krimen ang lalaking kapit-bahay ng bata dahil natagpuan daw sa loob ng  apartment nito ang bangkay.

Kaya naman sa Facebook post ni Mendoza nitong Biyernes, Setyembre 13, kinondena niya ang naturang insidente na  hindi lang umano paglabag sa batas kundi isa rin umanong pag-atake sa buhay ng mga supling.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Ang insidenteng ito ay hindi lamang isang paglabag sa ating batas kundi isang pag-atake sa pinapahalagahan nating buhay ng ating mga supling,” saad ni Mendoza.

Dagdag pa niya: “Mariin kong kinokondena ang ganitong krimen at mariin kong kinokondena ang nasa likod nito. Ang ganitong uri ng karahasan ay hindi dapat magkaroon ng puwang sa ating bayan.” 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang punong-bayan para sa naulilang pamilya ng bata. Kasunod nito ay ang pagpapaala sa mga nasasakupan ng adhikaing bumuo ng ligtas na komunidad para sa mga bata.

“Muli, ang aming pakikiramay sa pamilya at pagpapaalala sa ating mga kababayan na magkaisa tayong magkaroon ng isang adhikaing makabuo ng mas ligtas na komunidad para sa lahat, lalong lalo na para sa mga bata,” aniya.

Sa kasalukuyan, naaresto na umano ang suspek sa pamumuno ni Police Major (PMAJ) Maria Elena Lumaban.