Nakikiramay ang Municipal Government ng Taytay, Rizal sa pamilya ng 8 taong gulang na batang babae na natagpuang patay matapos maiulat na nawawala kamakailan.
Matatandaang napabalitang nawawala ang batang babae na si Rylai Kaye Barrun noong Setyembre 11, batay sa Facebook post ng kaniyang ina na si Kristelle Ann Albotra.
Nitong Biyernes ng madaling araw, Setyembre 13, nag-post si Kristelle ng nakalulungkot na update.
"Anak ko. Wala naman kami kagalit at hindi ka naman salabhe bakit ganun? Napakahayup ng taong pag iisipan ka ng ganun. Mahal na mahal na mahal kita ate. 'Wag mong bigyan ng katahimikan ang gumawa sa'yo nun," aniya.
Gayunman, wala pang malinaw na ulat o impormasyon sa kung anong totoong nangyari kay Rylai.
Samantala, nakiramay ang Municipal Government sa pamilya.
"On behalf of Mayor Allan De Leon and the entire Municipal Government of Taytay, we extend our heartfelt condolences to the family of Rylai Kaye Barrun, who was tragically reported missing and later found deceased. We share in the profound grief of her family and our entire community during this heartbreaking time," saad ng munisipalidad.
Nakikipag-ugnayan daw ang lokal na pamahalaan sa Taytay PNP upang makamit ang hustisya para sa bata.
"The local government, in close collaboration with the Taytay PNP, is fully committed to seeking justice for Rylai Kaye. We are also dedicated to provising ongoing support and assistant to her family as they navigate through this difficult period," ayon pa sa kanila.
Nagbigay-paalala rin ang pamahalaan ng Taytay sa mga residente na maging vigilant.