December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

1 pang biktima ng musical director na gumahasa umano kay Gerald Santos, lumitaw!

1 pang biktima ng musical director na gumahasa umano kay Gerald Santos, lumitaw!
Photo Courtesy: Screenshot from Gerald Santos (YT)

Nagbigay na rin ng testamento ang singer na si Enzo Almario na kabilang sa umano’y biktima rin ng musical director na si Danny Tan.

Sa Facebook Myday ni Enzo nitong Huwebes, Setyembre 12, sinabi niyang matagal na panahon umano ang kaniyang hinintay bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na aksyonan ang nasabing isyu.

“It took me a while to finally take action on this issue, but now, I am no longer afraid, and I shouldn't be the one living in fear,” saad ni Enzo.

Dagdag pa niya: “I was raped and deceived by the same person who also raped Kuya Gerald.”

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Kalakip ng nasabing MyDay ang video ng paglantad niya bilang isa sa mga biktima ng musical director na si Danny Tan kasama si dating Kapuso singer Gerald Santos at kanilang legal counsel.

Ayon kay Gerald, miyembro umano si Enzo ng child musical group na SugarPop na mina-manage umano noon ni Danny. Pero bukod kay Enzo, may mga biktima pa raw ang musical director na hindi pa rin nagsasalita.

Nagpasalamat naman si Gerald kay Enzo dahil sa pagbibigay nito ng pahayag tungkol sa pang-aabusong naranasan nito noon.

“Ako po ay nagpasalamat po talaga sa kaniya dahil siya ay lumantad at nagbigay nga rin po siya ng testimony. Grabe po. ‘Yong kaniya po nangyari noong 2008. And he was only 12 years old, guys,” aniya.

Matatandaang isiniwalat ni Gerald ang pangalan ng nasabing musical director noong pangalawang beses siyang humarap sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media.

MAKI-BALITA: Gerald Santos, lumuwag-dibdib matapos pangalanan ang umabuso sa kaniya

MAKI-BALITA: Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya