November 22, 2024

Home BALITA National

Roque sa House QuadCom: 'It's a political inquisition against the Duterte family and me'

Roque sa House QuadCom: 'It's a political inquisition against the Duterte family and me'
photos courtesy: Harry Roque (MB file photo), Duterte family (Harry Roque/FB)

Para kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, isang 'political inquisition' laban sa pamilya Duterte at sa kaniya, bilang kaalyado ng pamilya, ang isinagawang pagdinig ng House quad committee nitong Huwebes, Setyembre 12. 

Sinabi ito ni Roque sa isang pahayag nang i-cite in contempt siya ng House QuadCom matapos hindi sumipot sa pagdinig at kabiguang magsumite ng mga hinihinging dokumento sa Komite.

BASAHIN: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom

"Obvious ang target nito: Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng EJK; Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio, mister ni Vice President Inday Sara Duterte, sa isyu ng droga; at ako sa isyu ng POGO." ani Roque.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi rin niya na dapat ay tapos na ang usapin sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Lucky South 99 dahil pinabulaanan na umano ni Cassandra Li Ong na siya ang legal counsel nito.

Inilahad din ng dating presidential spokesman ang mga dokumentong ipinapasumite ng Komite sa kaniya. 

"Ngunit hindi pa rin tumigil ang QuadCom sa kanilang political harassment at pagpa-power trip. Pinasusumite sa akin ang mga personal na dokumento na wala naman kaugnayan sa POGO. These documents include my Statement of Assets and Liabilities from 2016-2022, my and my wife’s Income Tax Returns from 2014-2022, our respective medical certificates, the extrajudicial settlement of the estate, including tax returns, of my late aunt and the deed of sale with tax returns and transfer of property of the 1.8-hectare property in Multinational Village, Paranaque that my family sold.

"QuadComm also asked me for the transfer of shareholdings to Atty. Percival Ortega with trust agreement and related documents submitted to the Securities and Exchange Commission (SEC), the ITR of Biancham Inc. and the statement of Biancham’s beneficial owner filed with SEC," dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Roque, "Ang mga korporasyon ay aking itinayo noong 2014 – o walong taon bago ko pa nakilala ang Whirlwind Corporation. Ang mga ari-arian naman na binenta ng aking pamilya ay nangyari bago pa man nabuo ang Lucky South noong 2019.

"Isa itong fishing expedition. Dahil wala nga silang makitang matibay na ebidensiya na mag-uugnay sa akin sa ilegal na POGO, tinangka nilang lumambat ng ebidensya na tutugma sa kanilang kwento. At kahit na isumite ko ang kanilang hinihiling na mga dokumento, hahanap at hahanap pa rin sila ng paraan para ako ay madiin."

Sinabi rin niya na hindi raw siya pakikinggan ng QuadCom dahil ang gugustuhin lang daw umano ng mga ito ay ang kanilang "version of the story."

"In the eyes of QuadCom, I am guilty until proven innocent. QuadCom already has a narrative in mind. QuadCom will not listen to my side of the story. QuadCom would only want their own version of the story. Stick to the plan ang kanilang motto. Oras na hindi magustuhan ng QuadCom ang kanilang marinig sa resource person, contempt ang katapat.

"I no longer expect truth and fairness from a Kangaroo Court called QuadCom. Mas pinili ko nang huwag na akong humarap sa kangaroo hearings ng QuadCom.

"Nagsasayang lang kayo ng pera ng taumbayan sa kangaroo hearings na wala naman napapatunayan," ani Roque.

Dahil dito, hindi na rin daw nagdesisyon si Roque na dumalo pa sa pagdinig. 

"Hindi lamang nilalabag ng QuadCom hearing ang aking right to privacy, sinisira rin nito ang aking pamilya. Under the Civil Code, there is the term 'alienation of affection' referring to the intentional act of a third party to diminish the love and affection that exists between spouses.

"Winawasak ng QuadCom ang samahan namin mag-asawa at pinapahiya ang aking mga anak. Dahil dito, I have decided not to appear before the QuadCom until issues that I have ventilated have been brought to the Highest Court for judicial determination.

"I am confident that I will get the justice that I and my family deserve from the Court which has been denied me by Congress."