Ipina-cite in contempt ng House quad committee si dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos hindi sumipot sa pagdinig at kabiguang magsumite ng mga hinihinging dokumento sa Komite.
Sa pagdinig ng Komite nitong Huwebes, Setyembre 12, isinulong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores ang mosyon na i-cite in contempt si Roque, bagay na hindi tinutulan ng miyembro ng Komite.
“I move that we hold Harry Roque in contempt for refusing to submit the documents subject of this subpoena, of which he has manifested that he was going to submit to this committee,” saad ni FLores.
Ang naturang mosyon ay dahil sa hindi niya pagsipot sa pagdinig ngayong araw at sa hindi niya pagsumite ng mga dokumentong hinihingi sa kaniya ng Quad committee, katulad ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ang pagdinig na isinagawa ng Komite ay hinggil sa koneksyon ni Roque sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Lucky South 99, na siya ang lumalabas na umano'y legal counsel nito.