December 22, 2024

Home SPORTS

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo
Photo courtesy: UAAP Media

Forthsky Padrigao may winning comeback para sa bagong koponan!

Pinanatili ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang 2-0 record nila matapos nilang biguin ang kampanya ng Ateneo De Manila University Blue Eagles na makakuha ng unang panalo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 87, nitong Miyerkules, Setyembre 11, 2024 sa Smart Araneta, Cubao, Quezon City.

Tuluyang tinambakan ng 10 ng UST ang Blue Eagles at nagtapos ang laban sa, 74-64. Ito ang muling pagkapanalo ng UST kontra Ateneo mula season 78 kung saan ipinako rin nila sa 10 kalamangan ang Ateneo, 68-68.

Inabangan din ng UAAP community ang muling pagtapak sa UAAP court ni UST Center Forthsky Padrigao matapos ang kontrobersyal niyang pag-alis sa Ateneo noong season 85 kung saan nagkampeon ang koponan kontra University of the Philippines Fighting Maroons.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtala si Padrigao ng 6 puntos at 9 assists upang tulungan ang bagong koponan na iuwi ang ikalawang panalo para sa tropa ng España.

Kasalukuyang tabla sa team standing ang UST at defending champion na De La Salle University Green Archers habang sa huling puwesto ang Ateneo.

Kate Garcia