Sa nalalapit niyang pagbabalik ng Pilipinas, muling nagbigay ng health update ang aktres na si Kris Aquino.
BASAHIN: Kris Aquino, magbabalik 'Pinas; kailangan ng emotional encouragement mula sa mga kapatid
Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 12, ibinahagi ni Kris ang update sa kaniyang kondisyon. Aniya, mayroon siyang anim na confirmed autoimmune conditions: autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, Churg Strauss, systemic sclerosis, lupus, and rheumatoid arthritis.
Isa raw sa rason niya kung bakit nag-decide siyang umuwi sa bansa dahil kailangan na niyang masimulan ang kaniyang pangalawang second immunosuppressant infusions, ito raw ay gentler term para sa chemotherapy).
"The reason i decided to go home is because i need to start my second immunosuppressant infusions in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy)," anang aktres.
Dagdag pa niya, "Sadly what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS. This is now the FIGHT OF MY LIFE."
Samantala, nagpasalamat naman si Kris sa mga nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kaniya.
BASAHIN: Kris Aquino, magbabalik 'Pinas; kailangan ng emotional encouragement mula sa mga kapatid