November 22, 2024

Home BALITA National

Dengue cases, patuloy na tumataas; publiko, hinikayat ng DOH na puksain ang mga lamok

Dengue cases, patuloy na tumataas; publiko, hinikayat ng DOH na puksain ang mga lamok
file

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na puksain ang mga lamok na may dalang dengue, bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng dengue cases sa bansa.

Sa datos na inilabas ng DOH nitong Huwebes, nabatid na nasa uptrend pa rin ang dengue cases matapos na makapagtala ng 25% pagtaas mula Agosto 4 hanggang 17, 2024, na umabot sa 36,335 cases, kumpara sa 29,021 kaso lamang na naitala mula Hulyo 21 hanggang Agosto 3, 2024. 

"There is a 25% increase in cases, with 36,335 cases reported last August 4-17, 2024, compared to 29,021 reported from July 21 to August 3," anang DOH.

Anang DOH, ang lahat ng rehiyon sa bansa, maliban sa MIMAROPA, Bicol, Zamboanga Peninsula, at BARMM, ay nakitaan ng pagtaas mula Agosto 4 hanggang 17, 2024. 

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Simula naman noong Enero hanggang Setyembre 6, 2024, nabatid na umaabot na sa kabuuang 208,965 dengue cases ang naitala.

Ito ay 68% na pagtaas kumpara sa 124,157 lamang na kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Mayroon namang kabuuang 546 deaths na naitala, na may mas mababang Case Fatality Rate (CFR) na 0.26% kumpara sa CFR na 0.39% mula 2023. 

Anang DOH, "This may be due to better health-seeking behaviors or case management."

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na patuloy nilang minu-monitor at ina-assess ang sitwasyon upang makapagpatupad ng mga kinakailangang pamamaraan at interbensiyon.

Mahigpit din ang payo ng DOH na ipatupad ang kanilang 4S strategy o 'Search and Destroy mosquito breeding grounds by eliminating stagnant water and their containers; Use Self-protection measures like insect repellent and wearing of long-sleeved shirts and long pants; Seek early consultation with a doctor or health worker for any symptoms; at Support fogging or spraying in local hotspot or outbreak areas where an increase in cases is registered.'

“We are witnessing a continued and seasonal rise in dengue cases. It is crucial that we take immediate and concerted action to address this situation brought about by the rainy season. A smaller proportion of case deaths may be attributed to better health seeking behavior and also management at hospitals. Let us work together to protect our families, friends, and communities from the dangers of dengue,” ayon naman kay Health Secretary Teodoro J. Herbosa.