December 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI Maloi tinalakan sa pagrepost ng isang video: 'Educate yourself!'

BINI Maloi tinalakan sa pagrepost ng isang video: 'Educate yourself!'
Photo courtesy: Maloi Ricalde (IG)

Binanatan ng ilang netizens ang BINI member na si Maloi Ricalde matapos niyang i-repost ang isang video na kumakalat sa X na nagpapakita ng video ng isang lalaking tila sumasayaw. 

"NAPATAWA MO AKO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA," mababasa pa sa komento ni Maloi. 

Pero napag-alamang isa palang person with disability (PWD) ang naturang lalaki kaya marami ang umalma sa ginawa ni BINI Maloi at ng iba pang netizens sa video.

Kaya naman sa kaniyang X post ay nag-apologize si Maloi at sinabing wala umano siyang intensyong manakit ng damdamin ng sinuman. Ipinangako niyang sa susunod ay mas magiging sensitibo na siya sa pag-like o pag-share ng isang post.

Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024

"Laughing at and reposting a video that mocks people with disabilities is NOT and will never be okay," saad ng isang netizen. 

"To that Louie guy, Maloi, and everyone who liked, laughed, or reposted this video, please take the time to educate yourselves and learn why this topic is sensitive."

Nakarating naman sa kaalaman ni Maloi ang mga komento ng netizens sa kaniyang ginawa. 

"Saw the tweets. I am deeply sorry. It will never be my intention to hurt anyone. I respect everyone regardless of who and what they are. I will be more careful next time," anang Maloi sa kaniyang X post nitong Setyembre 11. 

"Thank you to those who educated me nicely. I appreciate you all."

Photo courtesy: Screenshot from X (Maloi Ricalde)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. 

"thank you for taking accountability, and hoping that everyone will be educated moving forward. love you, maloi!"

"Thank you for taking accountability, Maloi. We appreciate it so much. Let’s all be open to being educated and help ourselves move forward from this. We love you, and have a great day!"

"It’s okay, we all make mistakes unintentionally. Thank you for addressing this kind of issue. We stan the right idol."

"Mahal ka namin Maloi..."