November 22, 2024

Home SHOWBIZ

BALITAnaw: 'Jericho Rosales' ng Davao De Oro, puwedeng isabak sa Kalokalike

BALITAnaw: 'Jericho Rosales' ng Davao De Oro, puwedeng isabak sa Kalokalike
Photo courtesy: Hyobz Perez, Bryan Jay Photography (FB) via Balita/Jericho Rosales (IG)

Muli na namang nagbabalik ang patok na segment na "Kalokalike" ng noontime show na "It's Showtime" na nagtatampok sa mga madlang people na may kamukhang celebrities.

Sa season 4 nga ng segment ay agad na itong pinag-usapan dahil sa pagsali ng mga kalokalike nina Carlos Yulo, Chloe San Jose, Ruru Madrid, Billy Crawford, Gerald Anderson, Ariana Grande Dao Ming Si/Jerry Yan, at marami pang iba.

MAKI-BALITA: 'Caloy at Chloe' nagbanggaan sa Showtime

MAKI-BALITA: Bianca Umali, nadulas; Ruru Madrid, nag-alok na ng kasal?

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

MAKI-BALITA: 'Dao Ming Si' ng Las Piñas City, may mensahe sa mga nalito

Nanawagan pa nga ang iba na sumali raw sa patimpalak si Daniel Aliermo a.k.a. Vice Ganda mula sa Davao City, subalit hindi na raw puwede dahil siya na ang itinanghal na grand winner ng season 3.

MAKI-BALITA: Kalokalike ni Vice Ganda, pinapasali sa It's Showtime

At dahil nabanggit ang Davao, muling naalala ng mga netizen ang minsan nang naitampok sa Balita na naispatang palakad-lakad sa isang parke sa Monkayo, Davao De Oro na kamukha ni "Lavender Fields" star Jericho Rosales.

Sa pagtatampok ng Balita noong 2022, si Jericho Rosales ng Davao De Oro ay kinilalang si Junrey Baug na unang nag-viral noong Agosto 2022 matapos i-post ang mga larawan sa Facebook ng netizen na si Hyobz Perez.

Tila namalikmata ang netizen na si Hyobz at kaniyang mga kaibigan nang mamataan ang isang lalaking kamukha ng ni Jericho habang naglalakad sa pinasyalan nilang amusement park sa Monkayo, Davao de Oro.

MAKI-BALITA: 'Jericho Rosales', namataang palakad-lakad sa isang amusement park sa Davao

Agad nila itong nilapitan upang makapagpakuha ng larawan. Tinawag nila itong "Echo" ngunit hindi nila nakuha ang tunay nitong pangalan.

Tila sumang-ayon naman ang ilang mga netizen at sinabing kalook-a-like nga ito ng aktor. May mga nag-tag at nag-mention pa sa pangalan ni Jericho upang makarating sa kaniyang kaalaman na may "twin brother" siya sa Davao. May mga nag-tag pa sa award-winning magazine show ng GMA Network na "Kapuso Mo, Jessica Soho" o KMJS para makatulong na mapagkita ang dalawa.

Matapos mag-viral ay agad na na-locate ang kalokalike ni Jericho at dito na napag-alaman ang kaniyang pagkakakilanlan. Nagsagawa ng panayam at make-over ang nasa likod ng b/vlog na "Pitik ni DenDen" kay Junrey kaya lalong lumutang ang pagkakahawig nito sa aktor.

Si Junrey na dating karpintero, ay kinuha bilang product endorser dahil sa pagiging kamukha ni Echo.

MAKI-BALITA: Kamukha ni Jericho Rosales, product endorser na

Nag-courtesy call pa siya sa alkalde ng Monkayo, Davao De Oro na si Mayor Manuel "Way Kurat" E. Zamora.

MAKI-BALITA: 'Jericho Rosales' look-alike na si Junrey Baug, nag-courtesy call sa mayor; itatampok sa KMJS

Pero pagkatapos ng dalawang taon ay wala nang balita patungkol kay Junrey.

Malay natin, sa mga susunod na araw ay bubulaga na lamang siya sa Kalokalike ng It's Showtime bilang contestant.