January 15, 2025

Home BALITA

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Ginunita ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang 107th birth anniversary ng kaniyang yumaong amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. na tinatawag ding "Apo Lakay."

Nag-post si PBBM ng tribute sa kaniyang ama nitong Miyerkules, Setyembre 11, sa mismong araw ng kapanganakan ng dating pangulo.

"Not a day goes by where I don’t think about my father. His wisdom remains a guiding force, a steady voice of reason reminding me of the principles that should lead our nation forward," anang PBBM.

"Happy birthday, Dad! We continue to celebrate you and honor your lasting legacy."

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

TINGNAN: Bongbong Marcos - Not a day goes by where I don’t think about my... | Facebook

Sa iba pang posts ng pangulo, nagbigay rin siya ng updates patungkol sa pagtungo nila sa Laoag City, Ilocos Norte para sa pagdiriwang ng birth anniversary ni Apo Lakay, at para din dumalo sa ginanap na "Marcos 107 Free Concert" para sa kaniya.

Dumalo rin ang pamilya Marcos sa isinagawang misa para kay Marcos, Sr. sa Immaculate Conception Parish-Batac, Batac City, Ilocos Norte.

TINGNAN: Bongbong Marcos - We have come together as a family to honor and... | Facebook

Pinagpugayan din nila ang monumento ni Marcos, Sr. sa Daytoy Ti Bannawag Monument.

TINGNAN: Bongbong Marcos - To many of us whose lives he touched, let us... | Facebook

"To many of us whose lives he touched, let us remember and pay tribute to his memory by reflecting on his legacy and meaningful service to our nation. He is a symbol of hope, a great innovator and a fervent patriot. Indeed, he was a Renaissance man whose thoughts and ideas were far ahead of his time."

"We should not only celebrate his birthday with festivities, but rather with the spirit of generosity and bayanihan, through giving back to our people," aniya pa.

Kaya naman, inilunsad ng pangulo ang "AKAP" o Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program.

"My father always said, ' - - .'"

"Through the [ ], we distributed financial assistance to over 7,000 beneficiaries. This support helps low-income earners meet their daily needs and provides opportunities for them to improve their quality of life," aniya pa.

TINGNAN: Bongbong Marcos - My father always said, ' - ... | Facebook