December 23, 2024

Home BALITA National

Notoryus, big-time child trafficker naaresto sa UAE—DILG Sec. Abalos

Notoryus, big-time child trafficker naaresto sa UAE—DILG Sec. Abalos
Photo courtesy: UAE Embassy - Manila (FB) via DILG Sec. Benhur Abalos (FB)

Ibinalita ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na nasukol sa United Arab Emirates (UAE) ang isang big-time child trafficker na walang awang nambibiktima ng mga batang Pilipino at pinagkakakitaan.

Sa opisyal na pahayag ng DILG, sinabi ni Abalos na agad na iuuwi sa Pilipinas ang nabanggit na child trafficker para panagutin at mabigyan ng hustisya ang pamilya ng kaniyang mga biktima.

"Isang notoryus at walang-awang big-time child trafficker na nambibiktima ng daan- daang batang Pilipino ang naaresto sa UAE. Sa ating pakikipagugnayan at sa tulong ng pamahalaan ng UAE, ang child trafficker na ito ay ating ibabalik sa Pilipinas bukas," ayon sa Facebook post ni Abalos nitong gabi ng Miyerkules, Setyembre 11.

"Ang tagumpay na ito ay isang napakalaking hakbang sa matinding laban ng gobyerno kontra human trafficking at sa maigting na pagprotekta sa ating mga kabataan mula sa mga mapang-abuso."

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Dagdag pa, "Para sa mga walang-pusong nang-aabuso ng menor de edad na kabataan, malinaw ang mensahe: wala kayong ligtas na taguan; kahit saan man kayo pumunta tiyak na haharap kayo sa batas upang manaig ang hustisya."

TINGNAN: Benhur Abalos - Isang notoryus at walang-awang big-time child... | Facebook

Nagsadya si Abalos sa Qasr Al Bahr, Abu Dhabi at tinanggap mismo ni UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed bin Sultan Al Nahyan.

TINGNAN: Benhur Abalos - "UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin... | Facebook