January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Model na UP student na inakusahang burgis, pumalag: 'Self-sustaining student po ako!'

Model na UP student na inakusahang burgis, pumalag: 'Self-sustaining student po ako!'
Photo Courtesy: Bethany Talbot (IG), UP (FB)

Dinepensahan ng model at football player na si Bethany Talbot ang sarili mula sa isang netizen na tila kinukuwestiyon ang pag-aaral niya sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Sa kaniyang TikTok account kamakailan, matutunghayan ang 2-minute video statement ni Bethany para sagutin ang komento ng netizen na nagsabing “burgis na nasa up? lololol.”

Ayon kay Bethany, totoong galing umano siya sa middle-class family at nakapag-aral pa nga raw siya sa “good private school” hanggang high school pero hind nangangahulugang hindi na raw sila namomroblema sa pera.

“I've been able to study in good private schools up until high school, but that doesn't mean that my family hasn't struggled financially along the way,” saad ni Bethany.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“My dad is a retired senior citizen and my mom works abroad to support us all. Sana nga talaga burgis kami para hindi kailangang magtrabaho abroad 'yung nanay ko," wika pa niya.

Ipinaliwanag din ni Bethany na bagama’t naipasa umano niya ang UP College Admission Test o UPCAT, pumasok umano siya sa nasabing unibersidad bilang student athlete.

Samantala, ang mga paskil naman ni Bethany sa social media na nagpapatunay umano ng burgis niyang pamumuhay ay bunga raw ng kaniyang trabaho.

“Lahat po ng binibili ko, ng nagagawa ko, dahil 'yon sa trabaho ko. And I am so beyond lucky that I am able to have this line of work. Self-sustaining student po ako, and tumutulong din po ako sa pamilya ko sa kaya ko," aniya.

Sa huli, nakiusap si Bethany na bagama’t marami umanong hindi sang-ayon sa mga mayayamang nasa UP, ‘wag sanang atakehin ang mga tulad niyang estudyante lalo na kung wala namang ideya kung bakit doon siya nag-aaral.

Nagpahayag naman ang ilang netizens ng kanilang suporta para kay Bethany. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"ung mga tumatahol dyan malamang di kaya ipasa yung upcat "

"Hindi naman pang mahirap lng ang UP! Para ito sa mga qualified na pumasok dun and they give advantage to less financly comfortable citizens, and they are there!"

"NOOOO “sana nga talaga burgis kami, para hindi na kailangang magtrabaho abroad yung nanay ko” hugs w consent, ate"

"before reacting, i hope you all get to watch until the end of the video "

"Proud of u very humble!"

"Ang UP ay para sa lahat! basta qualified ka. mahirap ka man or mayaman!"

Matatandaang ang terminong “burgis” o “bourgeois” ay tumutukoy sa grupo ng mga taong nakakaangat sa lipunan o iyong mga middle-class.